COURSE DESCRIPTION:

             Sumasaklaw ang kursong ito sa mga mahahalagang konsepto, babasahin, praktika, at teorya tungkol sa panitikang Pilipino. Ilan sa mga ito ay ang mga iba’t ibang panitikan na matatagpuan sa Pilipinas at ang mga kulturang nakapaloob dito. Nasasalamin din dito ang mga pagpapahalagang Pilipino na kumakatawan sa mga aral na kinakailangan upang maging isang tunay na Pilipino. Nalilinang din sa tulong nito ang mga kasanayan na kinakailangan sa paghubog ng isang mabuting indidwal na kinakailangan upang mapanatili ang mga natatanging pagkakailanlan ng mga Pilipino sa larangan ng kultura, sibilisasyon, at sining. Makatutulong din ang kursong ito sa pagpapayabong ng likas na katangian ng mga Pilipino hindi lamang sa buong Pilipinas kundi rin sa buong mundo.