Ang asignatura na ito sa Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig ay para sa antas ng Junior High School. Ito ay nakabatay sa Basic Education Curriculum na nagpapatupad ng programang k-12.

          Layunin ng asignatura na ito na malinang ang kakayahan ng mga estudyante sa ika-21 siglo tulad ng komunikasyon, kolaborasyon, kritikal na pagsusuri, at pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahain sa kanila ng iba’t-ibang gawain na susubok sa kanilang mga kakayahan.

          Naglalaman ang bawat aralin dito ng mahahalagang pag-unawa na sumasaklaw sa iba’t-ibang tema na mas nagpapalalim sa pagintindi ng mga estudyante sa pandaigdigang heograpiya, kasaysayan, kultura, pamahalaan, at ekonomiya lalo na sa panahon ng globalisasyon. Inaasahang ang mga pag-unawang ito ang magbubukas ng kanilang kaisipanat gagabay sa kanila sa pagharap sa mga hamon at suliranin na kanilang haharapin sa buhay.