Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 7, ay nakatuon sa Pananagutang Pansarili.
Ang mga aralin dito ay gagabay sa iyong pag-unawa sa mga pagbabagong nangyayari sa iyong sarili, sa mga inaasahang kakayahan, hilig, talento, tungkulin, at kilos sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga aralin ditto ay mauunawaan moa ng kalikasan ng iyong pagkato at ang mga pagpapahalaga at birtud. Mayroon ding mga aralin na gagabay sa iyong pag-unlad bilang kabataang mapanagutan sa mga pasiya at kilos at sa katuparan ng pangarap na magkaroon ng mabuting buhay.