Ang Gabay sa Kagamitang Pampagkatuto sa asignaturang Filipino 10 ay idinisenyo upang magbigay ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang Distance Learning Strategy. Ang nilalaman ng Kagamitang Pagkatuto ay maingat na pinaghandaan at pinag-aralan para sa ganap na pagkatuto ng mga estudyante. Ang kagamitang ito ay koleksyon ng mga aralin mula sa iba’t ibang manunulat ng nasabing asignatura na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Ang gabay sa kagamitang  pampagkatuto na ito ay hango sa iba’t ibang libro, artikulo at maging sa mga websites na siyang pinaghanguan at pinagbatayan.