Sumasaklaw sa masusing pag-aaral sa masining, mabisa at matatas na
paggamit ng wikang Filipino na pinakainstrumento sa pagpapahayag. Sumasaklaw
ito sa maangkop at masining na pagpili ng mga salitang gagamitin ayon sa
dalawang anyo ng pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran. Lilinagin dito ang kakayahan at kahusayang pangkomunikatibo ng
mga mag-aaral sa pagdidiskursong pasulat man at/o pasalita.